Bakit mistulang naka-premium ang xanga ko? For life na ba to? Pakisabi naman.. matagal na kong di nakakabisita dito. Wala na akong alam!
Sabado [last week]: Gran Alumni Homecoming ng Seton.. shempre.. hindi ako pumunta. Hehe. La lang. Masaya na kasi ko sa life ko ngayon sa DLSU.. parang.. ano pa use na balikan pa ung past diba. Basta. Since hindi nga ako umattend sa GAH.. nagmeet na lang kami ni Luigi n Tzjake sa Starbucks-Las Pinas. 6 hours kami nakatambay don. Haha.. don na kami nag merienda and dinner. Salamat nga pala kay Luigi na nagbayad para sa Coffee Jelly venti, Choco éclair and Belgian waffle ko. At salamat din sa crew ng sbucks dahil ang cute nia. Haha.
Linggo: Wala naman. Nagsimba lang kami chaka nag grocery.
Lunes: Start na ng midterm exams. Wala ako exam nung Monday kaya wala ako pasok. Nagpunta kami ng mga room mates ko sa ATC. Nagkita kami ni Paul sa Starbucks sa town. Nilibre nia ko! Yehey! Eto na ung ultimate kwento. Kasi nung nagoorder ako.. nakatingin lang ako kay Paul kasi naguusap kami. Tapos nagulat na lang ako kasi sabi nung kumukuha nung order namin.. “this Rhumba is for Yeng.. right?”. Tapos un lang ung first time na napatingin ako sa kumukuha nung order namin. Siya pala ung crew din sa starbucks-las pinas nung sabado! Haha. Naalala nia name ko. Hiniram daw siya temporarily pero sa las pinas parin daw siya. Tapos tinanong nia kung san daw ako nagsstudy and what course. Eeeeee! Uhmm.. nakita namin si Bryan Revilla and Maui Taylor sa Sbucks din. I assume na sila na kasi nagkiss sila eh. Haha. Nakita ko rin si Nonoy Zuniga.. basta ung singer na kasama nila rico j. puno. Ayon.. nakita ko siya sa People are people kasama ung son niya.
Martes: Nagbayad sa admin ng tutition. Nako! Andaming tao! Next time talaga.. hindi ko na kakalimutan iremind si mommy one week before the exam week na magbayad ng tuition. Buti na lang sinamahan ako ni Paul. Nako.. dami ko na utang kay Paul.
Miyerkules: Exams namin sa Religious ed, Bio-lect & eng100. ok lang naman.. mejo mahirap ung bio.
Huwebes: Fil, Algebra & Psych. Dali lang ng algeb! Mapeperfect ko ata un! Haha. Yabang! Psych.. mejo mahirap pero ok lang kasi 60% ng exam essay. Eh diba wala namang right or wrong answer don.
Biyernes [today]: Ang weird ng sked namin kanina. Eng101..10am-11:30am. Logic..4pm-5:30pm. Todo.. may 4hrs and 30mins na vacant. Kaya after ng exam sa eng101.. eh maaga naman kami natapos..punta kami tagaytay. Dala kasi ni keng ung revo nia ngayon. Unang plano.. sa highlands para tambay lang. Pero nagdecide na lang na sa starbucks-tagaytay na lang uli para makapag-aral din kami para sa exam sa logic. The best talaga view don! Alis kami don ng mga 2:30pm. Nung pabalik na sa skool.. Nasa harap ako ng revo.. katabi ko ung driver.. si Keng! Haha. Nagtrip kami.. ako ung nagcocontrol ng manibela.. si keng na bahala sa clutch, break, etc. sarap pala magdrive! Haha. Saya kasi kung ano-ano pinaggagagawa namin sa kalsada. Basta lakas trip talaga.. Nakipagkarera sa isang Starrex, tumakbo ng 140kph, techno sounds na bumabayo ung speaker, bukas ung likod ng revo, “pinaiyak” ni keng ung revo nia na sobrang kumain ng gasolina..basta.. HARDCORE! Da BEST!
*la ako pictures kasi busy ako kakaaral ng logic kanina. L